BF pikon na sa mga school bus
June 19, 2006 | 12:00am
Pikon na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando sa mga nagsusulputan at pagtaas ng bilang ng mga school bus sa tuwing pasukan, na nakakadagdag ng pagsikip ng daloy ng trapiko.
Bunsod nito, nagpalabas ng kautusan si Fernando na arestuhin ang mga school bus operators na walang prangkisa bilang ultimatum.
Tinuligsa naman ni Fernando ang Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB), kasabay ng pagsasabing wala na umanong "pangil" ang nasabing ahensya upang sawatain ang pang-aabuso ng ilang operators ng school bus.
Ayon pa kay Fernando, dapat umanong kumilos na ang LTFRB at bigyan ng aksyon ang biglang pagdami ng mga school bus sa Metro Manila. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest