1 patay, 5 kritikal sa road mishap
June 19, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang pasahero, habang lima pa katao ang malubhang nasugatan makaraang dalawang beses na sumalpok ang isang taxi sa dalawang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Makati Medical Center ang biktimang si Alex Malang, tubong Maguindanao, habang nasa kritikal na kondisyon naman sa nabanggit din na pagamutan sina Rueda Mastera, Sammy Carnain, 34, residente ng 1010 Kalayaan Avenue, Brgy. Singkamas, Makati City; Renato Alfonso, 42, ng 85 Baco St., Quezon city ; Danilo Gutilo, 24 at Joel Callos, 39.
Batay sa inisyal na ulat ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi at habang binabagtas ng isang taxi na minamaneho ni Carnain ang kahabaan ng Osmeña Highway, South Luzon Expressway sakay sina Malang at Mastera ay nawalan ng kontrol ang nasabing sasakyan.
Sumampa ang taxi sa center island ng Gil Puyat Avenue flyover at hanggang sa bumangga sa isang Mitsubishi Canter Van na may plakang WCP-985 na minamaneho naman ni Callos.
Dahil sa sobrang lakas na pagkakabangga ay muling bumangga ang taxi sa isang Isuzu Pick-up na may plakang PYD-297 na minamaneho naman ni Alfoso at kasama ang pahinante nitong si Gutilo.
Dahil dito ay nawasak ang nasabing taxi na ikinamatay naman ni Malang at malubhang pagkasugat ng lima pa. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended