Suspension ng Boys Town officials, iginiit

Isasailalim sa preventive suspension ang mga opisyal ng Boys Town habang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang imbestigasyon sa umano’y sexual harassment na nagaganap dito.

Ayon kay Manila 1st district councilor Atong Asilo, ito’y upang masiguro ang impartial investigation sa kaso, dapat suspendihin muna ang mga sangkot na opisyal sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon sa Boys Town scandal.

Dahilan dito kaya’t hiniling kaagad ni Asilo kay Manila Mayor Lito Atienza ang suspension nina Boys Town OIC Dennis Cabangbangan at assistant nitong si Ryan Ponce.

Bukod dito, naghain na rin ng isang resolusyon si Asilo na isang ad hoc committe ang siyang mag-imbestiga sa nasabing iskandalo. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments