Chop-chop lady sa maleta kilala na
June 17, 2006 | 12:00am
Isang OFW na kagagaling pa lamang sa Taiwan ang chop-chop lady na isinilid sa isang malaking travelling bag at sadyang iniwan sa loob ng compartment ng isang taxi, kamakalawa ng madaling-araw sa Quezon City.
Ayon kay Chief Supt. Nicasio Radovan, Quezon City Police director na ang tsinap-chop na biktima ay si Jingjing Sarin, na nabatid na noon lamang nakaraang Martes dumating sa bansa buhat sa Taiwan.
Natukoy na rin ng mga awtoridad ang tumakas na suspect na kinilalang si Grace Abuyador Cuba, 35, na isa ring OFW mula sa Taiwan.
Nakilala ang biktima at suspect batay na rin sa impormasyong ibinigay ni Noemie Zeta, may-ari ng boarding house na tinuluyan ng dalawa kamakailan.
Ayon sa salaysay ni Zeta, unang nangupahan sa kanyang boarding house ang suspect na si Cuba at noong Martes ay ipinakilala niya ang biktimang si Jingjing na kanyang pinsan na kararating pa lamang buhat din sa Taiwan. Ipinagpaalam pa nito na kung maaari itong makatigil sa kanyang kuwarto ng ilang araw bago umuwi sa lalawigan.
Ang maleta na ginamit ng suspect na doon inilagay ang torso ng biktima ang positibong kinilala ni Zeta na pag-aari ng dalawa.
Hinala ng mga awtoridad na posibleng sa banyo pinatay ang biktima at doon din pinaghati-hati ang katawan nito. May ilang bakas ng dugo na nakita sa banyo ng kuwartong tinuluyan ng dalawa.
Lapnos din ang balat ng biktima kayat hinihinalang binanlian ito ng mainit na tubig para mahugasan o kundi man ay matanggal ang kahit kaunting masangsang na amoy ng bangkay.
Magugunitang ang sinasabing suspect na si Cuba ay sumakay sa ABC Taxi na may plakang PXG-545 na minamaneho ni Edison Sapitin mula sa Pugad Lawin St., Bahay Toro at nagpahatid sa Centennial Airport ng NAIA kung saan iniwan nito sa compartment ng taxi ang isang malaking travelling bag na doon inilagay ang tsinap-chop na biktima. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended