3 kidnaper utas, biktima ligtas
June 17, 2006 | 12:00am
Tatlong kilabot na miyembro ng Waray-Waray kidnap for ransom group (KFR) ang nasawi, habang matagumpay namang nailigtas ang babaeng trader na dinukot ng mga ito sa isinagawang rescue operation ng mga miyembro ng Presidential Anti-Crime Emergency Response (PACER), kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Tadtad ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan at namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro ang mga suspect na kinabibilangan ng magkapatid na sina Mario at Leo Limbangan at ang kasamahan ng mga ito na si Edgar Suela na pawang mga tubong Samar, Leyte.
Nasa ligtas namang kalagayan ang nabawing biktima na si Sonia Sanchez, 42, auto shop owner at residente ng 22 Marconi St., Brgy. Palanan, Makati City.
Ayon kay Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Station Investigation Division Management Bureau (SIDMB), dakong alas-7:45 ng umaga nang maganap ang shootout sa pagitan ng operatiba ng PACER at ng mga suspect nang lusubin ng mga awtoridad ang safehouse ng huli sa No. 1 Bona St. Vista Verde Executive Village, Kaybiga, Caloocan City.
Nabatid na bago ang insidente, isang residente ang nag-imporma sa PNP Hotline 117 hinggil sa kahina-hinalang kilos ng tatlong suspect na nakita nilang kinakaladkad ang isang babae.
Bunsod nito agad na kumilos ang elemento ng PACER at mabilis na isinagawa ang paglusob sa kuta ng mga suspects.
Nang maispatan umano ng mga suspect ang operatiba ay agad na nagpaputok ang mga ito ng baril dahilan upang magkaroon ng ilang minutong palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Nang humupa ang putukan ay nakitang nakabulagta ang mga suspect, habang ligtas na nasagip ang biktimang si Sanchez. Batay sa rekord ng pulisya, si Sanchez ay dinukot noong nakalipas na Huwebes habang binubuksan ang kanyang tindahan sa Makati City dakong alas-5:30 ng umaga.
Agad itong dinala sa safehouse at saka kinontak ang pamilya nito. P15-milyong ransom ang hinihingi ng mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung sinu-sino pa ang posibleng kasama ng tatlong napatay. (Rose Tamayo-Tesoro At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am