5-anyos nagulungan ng kotse, himalang nabuhay
June 15, 2006 | 12:00am
Mahirap ipaliwanag pero naganap.
Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 5-anyos na batang lalaki makaraang magulungan ng kotse ang katawan nito, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Nakilala ang biktima na hindi man lamang nagalusan sa inabot na aksidente na si Mark Francis, ng 1 Bldg. Foundation of the St. Joseph, Brgy. Rosario ng nabanggit na lungsod.
Sa salaysay ng tiyahin ng biktima na nakilalang si Rochell Cerillas, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang naglalaro ang bata sa kalsada hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Hindi nito napansin ang papaatras na kotseng Sedan na may plakang XGR-657 at direktang nagulungan ang biktima sa tiyan dahilan upang mabilis itong isugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Subalit sa pinagdaanang medical examination katulad ng pag-x-ray sa ulo at katawan ng biktima ay wala man lang itong pinsalang natamo maliban lang sa maliit na galos sa braso.
"Pasalamat nga kami sa Diyos dahil walang anumang pinsala ang pamangkin ko sa kabila na nakita namin kung paano siya nagulungan sa katawan ng sasakyan.
Sa kasalukuyan ay bineberipika pa ng pulisya kung sino ang may-ari ng nasabing sasakyan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended