^

Metro

Ex-Gov., 2 pa absuwelto sa Espinosa slay

-
Inabsuwelto kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang isang dating gobernador at dalawang iba pa kaugnay ng kasong pagpatay kay Masbate Rep. Tito Espinosa mahigit 11 taon na ang nakakaraan.

Sa 25-pahinang desisyon ni Judge Teresita Yadao, ang mga pinawalang-sala ay sina ex-Gov. Antonio Kho, Roberto Pidloan at Arnel Quidato, kaugnay sa kasong pagpaslang kay Espinosa noong nakalipas na Pebrero 28, 1995 dahil sa walang matibay na basehan upang idiin ang mga ito sa kaso.

Nadamay lamang umano ang mga ito nang isangkot ni Blas Rosario, ang sinasabing gunman sa kaso.

Gayunman, hinatulan naman ng habambuhay na pagkabilanggo si Rosario at pinagbabayad din ito ng halagang P.5 milyon sa pamilya ng biktima bilang danyos.

Sinabi ni Yadao na napilit umano ng mga umarestong pulis si Rosario na ituro ang tatlong akusado sa krimen, subalit lumakas naman ang kaso laban kay Rosario nang aminin nito sa hukuman na siya ang bumaril at nakapatay sa kongresista.

Magugunitang si Espinosa ay tinambangan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Pebrero 28, 1995 habang papasok ito sa Kongreso.

Dalawang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Espinosa. Walo katao kabilang ang dating gobernardor ang isinangkot sa krimen.

Nabigo naman ang pulisya na arestuhin ang dalawa sa mga suspect na sina Tirso Tamundong at Jacinto Ramos, samantalang patay na ang iba pang isinasangkot na sina Masbate Mayor Nestor Lim at Rogelio Rosario. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

ANTONIO KHO

ARNEL QUIDATO

BLAS ROSARIO

COMMONWEALTH AVENUE

ESPINOSA

JACINTO RAMOS

JUDGE TERESITA YADAO

MASBATE MAYOR NESTOR LIM

MASBATE REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with