Mahilig sa pedicure, may dalang panganib
June 14, 2006 | 12:00am
Mahilig ka bang magpa-pedicure?
Kung gayun, may paalala ang Manila Health Department lalo na ngayong tag-ulan, na kung ikaw ay bagong pedicure, mag-ingat na dumaan sa tubig-baha dahil pwede itong maging sanhi ng iyong kamatayan.
Ayon kay Boyet San Gabriel ng Manila Health Department-Sanitation Division chief, madaling pasukan ng tubig-baha na may halong ihi ng daga at ng iba pang hayop ang mga bagong pedicure lalo na kung nasugatan ang kanilang mga kuko.
Iginiit din ni San Gabriel na ang leptospirosis ay mabilis na pumapasok sa katawan ng isang tao kapag may sugat kayat mabilis itong kumakalat sa internal organs ng isang tao.
Kritikal period umano ng isang tao kapag napasukan ng tubig-baha ang katawan na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop ay 24 oras lamang dahil maaaring ma-damage agad ang kanyang internal organs tulad ng atay at kidney.
Sintomas umano ng nasabing sakit ay ang pakiramdam na parang tatrangkasuhin, mabigat ang limbs sa paa o parang nangangalay at pagsapit ng 12 oras ay parang tataas na ang lagnat at nahihirapang kumilos.
Kung makalipas ang 24 oras at hindi pa nadadala sa ospital ay tuluyan na itong mahihirapang kumilos hanggang sa manilaw. Mahihirapan na rin itong umihi dahil sa apektado na ang kanyang atay at kidney hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay.
Bunsod nito kayat pinapayuhan ni San Gabriel ang publiko na kapag katatapos pa lamang magpa-pedicure ay huwag munang lumusong sa tubig-baha. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest