^

Metro

Barangay captain, 5 pa timbog sa illegal bookies

-
Anim na miyembro ng hinihinalang sindikato ng ilegal na bookies kabilang na ang isang kapitan ng barangay ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng opisina nito na ginagawang "remittance center" sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga dinakip na sina Manuel de Guzman, alyas Lito de Guzman, financier; Mary Ann Puda; Annaliza Resurreccion; Rene Bacolor; Romulo Magat at Bernardo Burlungan, barangay captain, pawang mga residente sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng NBI-Special Task Force, nakumpirma ang ilegal na operasyon sa bookies sa karera ng kabayo sa 784 at 788 sa Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila sa isinagawang surveillance operation.

Dito nila sinalakay ang naturang mga lugar nitong Hunyo 11 sa bisa ng search warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court branch 24 Judge Antonio Eugenio.

Arestado ang anim na mga suspect habang nakumpiska sa mga ito ang iba’t ibang instrumento sa ilegal na operasyon kabilang na ang listahan ng kanilang koleksyon, listahan ng mga opisyal ng pamahalaan at pulisya na tumatanggap ng payola.

Nabatid pa na kinukunsinti umano ni Brgy. Captain Burlungan ng Brgy. 453 Zone 45, Sampaloc, Maynila ang ilegal na operasyon ni de Guzman dahil sa pagiging magbayaw ng dalawa.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga nadakip. (Danilo Garcia)

ANNALIZA RESURRECCION

BERNARDO BURLUNGAN

BRGY

CAPTAIN BURLUNGAN

DANILO GARCIA

GUZMAN

JUDGE ANTONIO EUGENIO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with