Nabatid kay Northern Police District (NPD) director P/CSupt. Leopoldo Bataoil na nakilala ang apat pang suspect makaraang "ikanta" ang mga ito ng mga naarestong sina Nathaniel Barbosa alyas "Jonel Ramos", 42-anyos at tubong Masbate na kasalukuyang naninirahan sa J.P. Rizal St., Maypajo, Caloocan City at Richie Neil Anghag, 28. tubong Imus, Cavite at residente ng Pandacan, Manila.
Bagamat hindi pa naaresto ang apat pang suspect ay kinasuhan na ang mga ito at inatasan na rin ng prosecutors office na maglagak ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.
Inatasan rin ng prosecutors office si Barbosa na maglagak ng P80,000 para sa kasong illegal posession of firearm and ammunition.
Magbibigay ng pabuya at parangal si Bataoil sa mga pulis at personahe na tumulong para malutas ang nasabing kaso. (Rose Tamayo-Tesoro)