^

Metro

2 suspect sa Caloocan bank robbery arestado, 4 pa kinasuhan na

-
Sinampahan na ng kaukulang kaso sa Caloocan City Prosecutors Office sa sala ni City Prosecutor Ferdinand Valbuena ang mga suspect na nanloob kamakailan sa Rural Bank ng nasabing siyudad, kaalinsunod ng pagkakaaresto sa dalawang suspect.

Nabatid kay Northern Police District (NPD) director P/CSupt. Leopoldo Bataoil na nakilala ang apat pang suspect makaraang "ikanta" ang mga ito ng mga naarestong sina Nathaniel Barbosa alyas "Jonel Ramos", 42-anyos at tubong Masbate na kasalukuyang naninirahan sa J.P. Rizal St., Maypajo, Caloocan City at Richie Neil Anghag, 28. tubong Imus, Cavite at residente ng Pandacan, Manila.

Bagama’t hindi pa naaresto ang apat pang suspect ay kinasuhan na ang mga ito at inatasan na rin ng prosecutors office na maglagak ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

Inatasan rin ng prosecutors office si Barbosa na maglagak ng P80,000 para sa kasong illegal posession of firearm and ammunition.

Magbibigay ng pabuya at parangal si Bataoil sa mga pulis at personahe na tumulong para malutas ang nasabing kaso. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTORS OFFICE

CITY PROSECUTOR FERDINAND VALBUENA

JONEL RAMOS

LEOPOLDO BATAOIL

NATHANIEL BARBOSA

NORTHERN POLICE DISTRICT

RICHIE NEIL ANGHAG

RIZAL ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

RURAL BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with