7 kritikal sa madugong b-day party
June 12, 2006 | 12:00am
Kritikal ngayon sa pagamutan ang pito katao na kinabibilangan ng isang 15-anyos na estudyante makaraang magwala at walang habas na mamaril ang isang barangay tanod at dalawa pa nitong mga kasamahan sa isang birthday party, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa East Avenue Medical Hospital sina Jonathan Berdal, 43, Purok leader ng Phase 9, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang na nagtamo ng mga tama ng bala mula sa .38 na baril sa ibat ibang parte ng katawan; Dominador dela Cruz Sr., na nagtamo rin ng tama ng bala mula sa nabanggit na baril sa leeg.
Pawang nagtamo naman ng mga tama sa ibat ibang parte ng katawan mula sa shrapnels ng improvised shotgun ang mga biktimang sina Adriel Paja, 15; Sylmaridado Daylo, 25, barangay tanod; Jorda Jeraldi, 22; Dominador dela Cruz Jr; Joey Majuasao, 21 na kasalukuyan ding inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan.
Isang manhunt operation naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect na sina Andoy Escalillas, barangay tanod; at dalawa pa nitong mga kasamahan na kinilala lamang sa mga alyas na "Dagol" at "Log-Log" na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril dala ang mga ginamit na armas.
Batay sa ipinarating na ulat ni Caloocan City Police chief Senior Supt. Geronimo Reside kay Northern Police District (NPD) director Leopoldo Bataoil, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang mangyari ang insidente sa ginanap na birthday party sa Phase 9, Package 2, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Nabatid na kasalukuyang nagkakasayahan ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspect na pawang armado ng .38 na baril at improvised shotgun.
Ilang sandali pa ay sunod-sunod na umalingawngaw ang mga putok mula sa mga bitbit na armas ng mga suspect.
Nang humupa ang putukan ay nakita na lamang na pawang duguang nakabulagta ang mga biktima, habang ang mga suspect ay tumakas patungo sa hindi mabatid na direksyon.
Napag-alaman na labis umanong dinamdam ni Escalillas ang hindi opisyal na pag-imbita sa kaniya sa nasabing birthday party.
Ayon naman sa ilang mga residente, sinadyang hindi inimbita si Escalillas dahil kapag nalalasing umano ito ay ugali na nito ang maghasik ng kaguluhan o karahasan. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest