Housing sa Taguig, may duwende
June 11, 2006 | 12:00am
Ilang pabahay ng gobyerno sa Taguig City ang pinamahayan ng mga lamang-lupa na kinumpirma naman ng isang kawani ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Ayon sa pahayag ni Alfredo Garcia, utility worker ng NAPOLCOM at residente ng 107 Centennial Village, Building 4, C-5 Road, Brgy. Western Bicutan, nabanggit na lungsod, kadalasan ay nakakakita siya sa kanyang unit ng maliliit na tao o mga duwende.
Minsan din anya ay naiiba ng pwesto ang mga gamit na iniiwanan niya sa isang sulok at ang nakapagtataka nito ay wala namang ibang tao na pwedeng gumalaw dito at kagagawan umano ito ng mga duwende na namamahay sa nasabing housing.
Kunumpirma din umano ng isang albularyo na may nakatira ngang mga duwende sa nasabing housing.
Madalas ding magkasakit si Garcia na umanoy kagagawan ng nasabing mga duwende. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended