^

Metro

Ama patay sa bala na para sana sa anak

-
"Buhay man ay itataya ng magulang para sa anak."

Muling pinatunayan ang mga katagang ito ng isang 60-anyos na ama ng tahanan nang salagin nito ang mga bala ng improvised shotgun na para sana sa 16-anyos na anak nito, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gonzalo Arana Sr., residente ng Purok Laloma, Brgy. 178, Camarin, nabanggit na lungsod sanhi ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Tyron Fulminar, 35-anyos at residente ng 44 Caritas Compound, Cielito Homes, Brgy. 177, Caloocan City na mabilis na tumakas matapos ang ginawang pamamaril.

Batay sa nakalap na impormasyon mula kay PO3 Elvis Imperial, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8 30 ng umaga sa tapat ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay ipinakulong ng anak ng biktima na si Edwin ang suspect dahil sa walang habas na pagpapaputok nito ng kanyang improvised shotgun.

Nagawang matakasan ng suspect ang mga awtoridad at binalikan nito si Edwin sa kanilang bahay upang resbakan.

Armado ng kanyang improvised shotgun ay kinompronta ng suspect si Edwin at nang makita ng matandang biktima na babarilin ng suspect ang kanyang anak ay dali-dali itong pumagitna at sinalag ang mga bala mula sa armas ng una.

Agad na nasawi ang biktima, habang muli na namang nakatakas ang suspect na ngayon ay target na ng manhunt operation ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

BRGY

CALOOCAN CITY

CARITAS COMPOUND

CIELITO HOMES

EDWIN

ELVIS IMPERIAL

GONZALO ARANA SR.

PUROK LALOMA

ROSE TAMAYO-TESORO

TYRON FULMINAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with