Kaugnay nito, isang special workshop ukol sa pagbibigay ng first aid sa mga biktima ng anumang karahasan, krimen at aksidente ang itinuro sa mga pulis ng mga miyembro ng Philippine College of Surgeons-Metro Manila Chapter sa headquarters ng Manila Police District (MPD).
Umaabot sa kabuuang 1,113 na mga doktor na kinabibilangan ng mga surgeons at physicians ang nagturo ng first aid sa mga pulis-MPD.
Sinabi naman ni MPD director Chief Supt. Pedro Bulaong na ang nasabing pagsasanay ay tinatawag nilang "special basic trauma and life support course" na makakatulong sa mga pulis upang makapagbigay ng paunang lunas tulad ng cardio pulmonary resuscitation sa mga residente na posibleng malagay sa bingit ng kamatayan at magsisilbi din umano itong "morale booster" sa mga pulis na siyang rumiresponde sa mga emergency cases. (Gemma Amargo-Garcia)