Dinukot na Tsinoy, nakapuga sa abductors
June 10, 2006 | 12:00am
Nagawang makatakas ng isang negosyanteng Tsinoy mula sa kamay ng kanyang mga kidnapper habang isinasagawa ang negosasyon ng kanyang ransom, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Ayon kay Senior Inspector Florante Santos, hepe ng SS-1 ng Caloocan City police, dakong alas-2 ng hapon nang magawang makatakas ng biktimang si Anthony Lim, 27, ng Quiapo, Maynila sa mga hindi kilalang armadong kalalakihan na dumukot sa kanya.
Napag-alaman na dakong alas-12 kamakalawa ng tanghali nang dukutin si Lim ng mga suspect habang ito ay sakay sa kanyang Toyota Camry na may plakang XMA-587 at binabagtas ang isang kalye sa Quiapo.
Bigla na lamang itong hinarang ng mga suspect at sapilitang dinala sa Room 23 ng Anito Lodge sa M. Ponce St., Bagong Barrio, Caloocan City at doon itinago.
Dakong alas-2 ng hapon habang nakikipagnegosasyon umano ang mga suspect sa pamilya ni Lim para sa pay-off ng ransom ay nagawa ng huli na makapuslit.
Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at inireport ang pagdukot sa kanya.
Bunsod nito, nagsagawa ng pagsalakay ang pinagsanib na puwersa ng MPD at Caloocan City police sa nabanggit na motel subalit hindi na naabutan pa ng mga ito ang mga kidnapper ni Lim. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended