Pekeng law enforcement unit ng Malacañang, buking
June 8, 2006 | 12:00am
Nabuking ang isang pekeng "intelligence at law enforcement agency" na umanoy awtorisado ng Malacañang matapos na madakip ang tatlo nitong opisyales sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Mandaluyong City.
Kinilala ni NBI Acting director ang mga nadakip na sina Marcelino Castro Jr.; Victor Castro, at Antonio Lucion.
Ipinapakilala ng mga nadakip na suspect na sila ay mga opisyales ng umanoy lehitimong law enforcement agency na Presidential Regional Assistant Monitoring Services (PRAMS).
Sa ulat ng NBI-National Capital Region, unang humingi sa kanila ng tulong ang ilang biktima matapos na bigyan umano sila ng trabaho ng nabanggit na tanggapan bilang mga intelligence agents na may buwanang sahod na P30,000. Gayunman, hiningan sila nito ng tig-P200 na bayad sa kanilang identification card.
Dito umano sila inatasan na magsagawa ng mga pagsalakay sa mga beerhouse, mga street vendors at ilang mga establisimento na kanilang ginawa sa pag-aakalang lehitimo ang kanilang ahensiya. Sa kabila na nalalagay sa panganib ang kanilang buhay ay hindi naman sila sinusuwelduhan kung kaya humingi na sila ng tulong sa NBI.
Matapos ang isinagawang beripikasyon, ni-raid ng NBI ang tanggapan ng PRAMS sa Unit 3A, Manor Bldg. sa Boni Avenue, Mandaluyong City sa bisa ng search warrant na inisyu ni Manila RTC Executive Judge Antonio Eugenio Jr.
Nakumpiska buhat sa mga suspect ang dalawang kalibre .45 baril at dalawang kahon ng mga dokumento.
Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na itinatag ng isang Dr. Maximo Gamido ang PRAMS sa bisa umano ng inilabas na EO noon ni dating Pangulong Marcos. Ang PRAMS umano ang siyang magpapaimplementa sa lahat ng batas sa bansa kaya lumalabas na mas malaki pa ang kapangyarihan nito sa pulisya at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Nabatid na naharap sa ibat ibang kasong kriminal si Gamido kung saan sa kulungan ito nasawi. Habang nakakulong ay patuloy itong nagbibigay ng kautusan sa kanyang mga miyembro sa AFP at PNP. Sa kabila na wala na si Gamido, patuloy pa rin umano na gumagalaw ang mga galamay nito sa kabila na walang bisa ang kanilang sinasabing ahensiya. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest