Bangkay lumutang sa creek

Natagpuang lulutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki na sinasabing siga matapos na resbakan ng dalawang kalalakihan na una nang hinabol ng saksak ng biktima kahapon ng umaga sa Pasay City.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawa ang biktimang si Lucricio Paran, 40 ng no. 667 Agrenti St. Protacio Ave. Brgy. Tripa de Galina, Pasay City habang mabilis namang tumakas ang dalawang suspect.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na huling nakita ang biktima noong Martes na may dalang kutsilyo at hinahabol ang dalawang lalaki sa hindi malamang dahilan.

Subalit dakong alas-6 ng umaga kahapon nang makita ang bangkay nito na palutang-lutang sa creek.

May teorya ang pulisya na posibleng niresbakan ang biktima ng mga hinabol nito at pagtulungang patayin. (Lordeth Bonilla)

Show comments