^

Metro

Carnapping vs 10 miyembro ng PNP-CIDG

-
Sampung opisyal at miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang nalalagay sa hot water matapos na iutos ng Department of Justice ang pagsasampa sa korte ng kasong carnapping laban sa mga ito matapos na tangayin ang dalawang sasakyan ng isang Chinese sa isinagawang drug raid.

Sa anim na pahinang resolusyon na ipinalabas ni DOJ Secretary Raul Gonzalez, mabigat umano ang ebidensiya upang sampahan sa korte ng kasong carnapping sina Sr. Insp. Pepito Garcia; Insp. Joven Trinidad; Insp. Angelo Nicolas; SPO2 Adolfo de Ramos; SPO2 Severino Busa; PO3 Josefina Caliora; PO3 Renato Gregorio; PO2’s Rogie Pinili at Rogelio Rodriguez at PO1 Richel Creer.

Ayon kay Gonzalez, wala umano siyang nakitang dahilan upang baligtarin ang naunang resolusyon na ipinalabas ni Malabon City Chief Prosecutor Jorge Catalan na nagrekomenda ng pagsasampa ng kasong carnapping ang mga nasabing pulis.

Batay sa record ng korte, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Shi Zheng Pang sa Jasine St. Araneta Village, Potrero, Malabon noong Agosto 16, 2003 dahil sa umano’y pag-iingat ng iligal na droga.

Subalit matapos ang raid ay tinangay din ng mga pulis ang Honda Civic at Mitsubishi Delic ni Pang at hindi pa isinasauli bagama’t nadismis na ang kaso laban sa Intsik.

Binigyan-diin ni Gonzalez na malinaw na may intensiyon ang mga pulis nang dalhin nila ang dalawang sasakyan bagama’t hindi naman kasama sa search warrant.

Lumilitaw din na nadiskubre ni Pang na ginamit ng mga pulis ang mga kinuhang sasakyan dahil pina-renew pa umano ng mga ito ang rehistro nito. (Grace Amargo- Dela Cruz)

ANGELO NICOLAS

DELA CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALEZ

GRACE AMARGO

HONDA CIVIC

JASINE ST. ARANETA VILLAGE

JOSEFINA CALIORA

JOVEN TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with