Libreng school supplies para kay Tinay
June 4, 2006 | 12:00am
Bilang pagkilala sa ipinamalas niyang katapatan, binigyan ng libreng school supplies ni DepEd Officer-in-Charge Fe Hidalgo si Tinay, ang batang nagsoli ng daang libong cash at mga tseke na nahulog mula sa isang kolektor.
Isinama ni Hidalgo si Tinay, Cristina Bugayong sa tunay na buhay sa isang mall malapit sa Central Office sa Pasig City, upang ipamili ng school supplies.
Ginawang modelo ng DepEd si Tinay dahil sa kanyang katapatan makaraang isoli nito ang napulot na malaking halaga ng pera at mga tseke may ilang buwan na ang nakakaraan.
Si Tinay, 1st year high school na sa pasukan ay papasok sa STI High School sa Quezon City. Binigyan siya ng STI ng scholarship upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Sinamantala naman ni Hidalgo sa kanyang paglilibot na matingnan din ang presyo ng mga school supplies. Wala naman umanong naging pagtaas sa presyo nito. Wala ring nakikitang problema si Hidalgo upang hindi maging maganda ang pagbubukas ng klase sa Lunes. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am