^

Metro

Matadero kinatay ng kasamahan

-
Kinatay ang isang matadero ng kanyang kasamahan sa trabaho makaraang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman, kamakalawa ng gabi sa San Juan.

Hindi na umabot ng buhay matapos na isugod sa St. Martin de Porres Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Alberto dela Cruz, ng F. Manola St., Brgy. Kabayanan, San Juan.

Pinaghahanap naman ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Atong na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi habang nag-iinuman ang suspect at biktima kasama ang iba pang kaibigan sa San Juan slaugther house sa nabanggit na barangay.

Nang malasing na ang mga ito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspect at biktima hanggang sa mabilis na kinuha ng suspect ang kanyang patalim na gamit sa pagkatay at sa kasamahang matadero ito ginamit.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALBERTO

ATONG

BRGY

CRUZ

EDWIN BALASA

KABAYANAN

MANOLA ST.

PORRES HOSPITAL

SAN JUAN

ST. MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with