Kinilala ang mga biktimang sina Han Heeil, 49, negosyante at anak nitong si Han Hyun Hee, 23, residente ng 12-B Gen. Ordoñez St., Brgy. Marikina Heights, ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi nang umuwi ang mag-ama galing sa kanilang pagmamay-aring club sa Antipolo City.
Pagpasok nila sa kanilang bahay ay laking gulat ng dalawa nang bigla silang tutukan ng baril ng isa sa tatlong suspect at pagkatapos ay iginapos at ikinulong sa isang kuwarto.
Agad namang nilimas ng mga suspect ang dalawang kuwarto ng nasabing bahay at matapos na makulimbat ang mga mahahalagang gamit tulad ng alahas, cellphone at $10,000 ay mabilis na tumakas ang mga ito gamit ang bagong biling Hyundai Space Wagon na kulay asul at may plakang ZDE-173 ng mga biktima na nagkakahalaga ng mahigit sa P1 milyon.
Isang manhunt operation ang ginagawa ng pulisya para sa agarang paglutas ng nasabing kaso. (Edwin Balasa)