Isang tama ng bala sa kanang dibdib ang tinamo at naging sanhi ng kamatayan ng biktimang si Roniel Cabahayan, ng Dorothea Road, Brgy. 190, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. at Dorotea Road, Brgy. Balingasa, Quezon City dakong alas-7:40 ng gabi.
Napag-alaman na nakita ng biktima ang ginawang panghoholdap ng tatlong hindi pa nakikilalang suspect sa kaibigan nitong Indian national.
Ipinasya ng biktima na habulin ang mga holdaper ngunit isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril kung saan tinamaan sa dibdib ang una.
Patay na nang idating ito sa Chinese General Hospital.
Mabilis namang pumuga ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen na siya ngayong target ng operasyon ng pulisya. (Doris Franche)