Estudyante pumalag sa holdap, patay
June 3, 2006 | 12:00am
Dalawang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang estudyante matapos na barilin ng isa sa dalawang holdaper nang pumalag ito sa idineklarang holdap sa loob ng pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Sta. Ana, Manila.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang nakilalang si Jhon Mark Cerbito, 21, at residente ng #1420 Perdigon St., Paco.
Nakilala naman ang isa sa dalawang suspek na si Alvin Corpuz, residente ng Purisima St., Paco, Maynila na isinasailalim na ngayon sa pagtugis ng pulisya.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa panulukan ng Tejeron at Paco Roman St., Sta. Ana.
Nabatid na sakay ng isang pampasaherong jeep ang biktima patungo ng Guadalupe, Makati City nang magdeklara ang dalawang suspect ng holdap. Inumpisahang limasin ng mga suspect ang mga mahahalagang gamit at pera ng mga pasahero ngunit pumalag ang biktima, sanhi upang agad na paputukan ito ng isa sa mga suspect. Tinamaan ang biktima sa dibdib at sa kaliwang tagiliran ng katawan. Tinangka pang isugod ng isang Jun Umali ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Nagtungo naman sa istasyon ng pulisya ang ibang biktima ng holdap kung saan nakilala ni Vanessa Roa ang suspect na si Corpuz sa photo gallery ng mga kilabot na holdaper sa lungsod ng Maynila. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended