^

Metro

Diskuwento sa mga estudyante, tuloy

-
Hindi na aalisin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang ipinagkakaloob ng mga pampublikong sasakyan na 20 porsiyentong discount sa mga estudyante sa buong bansa.

Ayon kay LTFRB Chairperson Ma. Elena Bautista, umatras na ang transport groups sa planong alisin ang student fare discount dahil sa pangakong tulong sa kanila ng pamahalaan upang hindi gaanong maapektuhan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina at krudo.

" Ang hiling ng PUJ leaders na alisin ang 20 percent student discount ay hindi na tuloy. Tuloy ang discount sa mga mag-aaral. Nagbigay na kasi ng ibang tulong ang pamahalaan sa transport groups para hindi matanggal ang diskuwento sa mga mag-aaral", pahayag ni Bautista.

Sa kanyang panig, kinumpirma naman ni Zeny Maranan, national president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phils. (FEJODAP) ang naturang hakbang.

Sinabi din ni Boy Vargas, pangulo ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) na bagamat walang naging pakikipag-usap si Bautista sa kanyang grupo hinggil sa pag-atras sa plano, malaki rin ang kanyang paniwala na hindi ito agad-agad maibabasura dahil siguradong magagalit sa kanila ang mga estudyante.

Ito ay sa kabila na malaki rin ang papasok sa kita ng mga driver kung aalisin ang fare discount pero kung away lang umano ang mangyayari ay huwag na lang.

Gayunman, sinabi ni Vargas na dapat linawin ni Bautista kung ano ang tulong na maibibigay ng pamahalaan para sa kanilang hanay. (Angie dela Cruz at Edwin Balasa)

ANGIE

BAUTISTA

BOY VARGAS

CHAIRPERSON MA

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILS

EDWIN BALASA

ELENA BAUTISTA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with