MMDA nag-high tech na
June 1, 2006 | 12:00am
Simula ngayong araw na ito gagamit na ng fingerprint scanning device sa kanilang pagta-time-in at time-out ang mga empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Mangangahulugan dito na hindi na gagamitin ang mga bundy clock at cards ng mga kawani para maiwasan na rin ang pandaraya ng ilang pasaway na personnel ng ahensiya.
Nilinaw ni MMDA Chairman Bayani Fernando na hindi lamang ang pagdating at pag-alis ng mga empleyado ang bubusisiin ng fingerprint scaning dahil maging ang break time sa tanghalian ay iniutos din itong ipatupad.
Gagamit naman ng locator slips na pirmado ng kani-kanilang department head ang mga kawani na may official business.
Bukod umano sa fingerprints scanner at locator slips ay wala nang iba pang tanggaping pagtse-check sa attendance ang naturang ahensiya. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended