Hindi makahanap ng trabaho, nagbigti

Bunga ng pagkabigong makakita ng trabaho, isang 28-anyos na binata ang nagpasya na magpakamatay na lamang sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Lawit ang dila nang makita si Rommel Pangilinan, tubong Malasique, Pangasinan at pansamantalang naninirahan sa 78 Libra St. Remarville Subd., Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-10 ng umaga sa likod ng kanilang bahay.

Ayon kay Mary Ann, kapatid ng biktima napansin niya ang pagiging balisa ni Rommel matapos na bigo ito sa halos araw-araw na paghanap ng trabaho para mabigyan sila ng magandang buhay. Maaaring desperado na ang nasawi, kung kaya nagpasya na lamang itong wakasan ang kanyang buhay. (Doris Franche)

Show comments