^

Metro

Parak naingayan, namaril ng mga kabataan

-
Dahil lamang sa naingayan sa kuwentuhan ng isang grupo ng mga kabataan, nagawang mamaril ng isang pulis na ikinatama ng dalawa sa mga ito, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang nakilalang sina Jerome Oguis, 13; at Emmanuel San Juan, 18, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa kanilang mga paa at binti.

Agad namang tumakas ang suspect na nakilalang si SPO3 Rey Mauricio, nakadestino sa Police Security and Protection Office (PSPO) ng Camp Crame at residente ng Ilaw St. ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi habang nagkukuwentuhan ang isang grupo ng kabataan kabilang ang dalawang biktima, hindi kalayuan sa bahay ng suspect.

Nabatid na naingayan umano ang parak sa malakas na pagkukuwentuhan ng mga kabataan, kung kaya bigla itong lumabas ng bahay bitbit ang isang 9mm pistol at sinaway ang grupo ng mga biktima.

Hindi pa nakuntento ay ikinasa nito ang baril at saka ipinutok sa grupo ng kabataan. Minalas namang tamaan sina Oguis at San Juan. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect na ngayon ay target ng operasyon ng kanyang mga kasamahan. (Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

CAMP CRAME

EDWIN BALASA

EMMANUEL SAN JUAN

ILAW ST.

JEROME OGUIS

MARIKINA CITY

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE

REY MAURICIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with