^

Metro

12 dormitoryo sa Maynila pinadlock

- Gemma Amargo-Garcia -
Labindalawa sa 100 na dormitoryo na ikinokonsiderang "fire trap" sa University Belt ang ipinad-lock kahapon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Personal na pinangunahan ni Manila Mayor Lito Atienza at City Administrator Dino Nable at Business Promotion and Development Office (BPDO) director Regino Tolentino ang sorpresang pag-ikot sa mga dormitoryo kahapon, partikular na sa Sampaloc at tukuyin ang mga depektibong establisimyento na peligro sa sunog.

Ayon naman kay Louie Malimlim, nakatalaga sa pag-iinspeksiyon sa mga dormitoryo, nabigo ang mga establisimyento tulad ng Louella, Lady Carmel dormitories at isang Francisco Bldg. na nasa kahabaan ng Lerma St., España na remedyuhan ang mga depektibong bahagi ng kanilang dormitoryo.

"These are the dormitories that were found to have major deficiencies among the remaining establishments still in the process of complying with the general safety requirements, ito yung mga dorm na walang aksyon na nakukuha sa may-ari," ayon pa kay Malimlim.

Bukod sa mga naturang dormitoryo, nabigo rin ang Mary Mount sa P. Noval at Madrilejos, Paquita St. na ikumpleto ang mga kinakailangang safety requirements sa lokal na pamahalaan bago ito makapag-operate.

Ang nasabing mga dormitoryo umano ay "fire trap" na kapag nasunog ay posibleng ma-trap ang mga boarders na estudyante.

Inirekomenda rin na ipasara sa susunod na linggo ng inspection team ang Vanity Ladies dormitory, Heirs Management Inc., Lucit Patajo Fernandez Sapugay boarding house na pagmamay-ari nina Ramon Sy, Francisco Canillas at Violeta Caudillo.

Pinupuntirya rin ang mga "fly by night" na dormitories na bagamat mura ang paupa ay nalalagay naman sa peligro ang buhay ng mga umuupang estudyante rito.

Pinagbasehan ng inspection team ang kawalan ng safety requirements tulad ng fire exit, fire extinguishers, depektibong pader, walang permit to operate at paglabag sa building code ng bansa kaya’t ipinasara ang nasabing mga dormitoryo.

BUSINESS PROMOTION AND DEVELOPMENT OFFICE

CITY ADMINISTRATOR DINO NABLE

DORMITORYO

FRANCISCO BLDG

FRANCISCO CANILLAS

HEIRS MANAGEMENT INC

LADY CARMEL

LERMA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with