Namatay noon din ang biktimang si Macario Homo, residente ng 103 Abiola St., Wawa, Tangos, ng nabanggit na lungsod.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng L. Santos St. Wawa, Tangos, Navotas.
Ayon naman sa salaysay ni Emalda Tojino, 31, nobya ng biktima kasalukuyan umano silang namamasada ni Homo nang biglang sumakay ang mga suspect na pawang armado ng .45 kalibre na baril.
Agad na itinutok ng mga suspect ang kanilang mga baril sa biktima at saka sabay-sabay na pinaputukan dahilan upang agarang masawi ito.
Ayon pa kay Tojino, bago tuluyang bumaba sa jeep ang mga suspect ay nag-iwan pa ang mga ito ng mga katagang "marami kang inabusong tao kaya dapat lamang pagbayaran ito ng dugo ng bayan."
Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng pagpaslang sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)