^

Metro

Driver itinumba ng NPA rebels

-
Apat na tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 28-anyos na jeepney driver makaraang pagbabarilin ng hinihinalang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA), kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Namatay noon din ang biktimang si Macario Homo, residente ng 103 Abiola St., Wawa, Tangos, ng nabanggit na lungsod.

Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng L. Santos St. Wawa, Tangos, Navotas.

Ayon naman sa salaysay ni Emalda Tojino, 31, nobya ng biktima kasalukuyan umano silang namamasada ni Homo nang biglang sumakay ang mga suspect na pawang armado ng .45 kalibre na baril.

Agad na itinutok ng mga suspect ang kanilang mga baril sa biktima at saka sabay-sabay na pinaputukan dahilan upang agarang masawi ito.

Ayon pa kay Tojino, bago tuluyang bumaba sa jeep ang mga suspect ay nag-iwan pa ang mga ito ng mga katagang "marami kang inabusong tao kaya dapat lamang pagbayaran ito ng dugo ng bayan."

Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng pagpaslang sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ABIOLA ST.

APAT

AYON

EMALDA TOJINO

MACARIO HOMO

NAVOTAS

NEW PEOPLE

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTOS ST. WAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with