^

Metro

1 pang mangingisda natusta sa laot

-
Mahirap man paniwalaan pero malaki ang paniniwala ng mga residente na posibleng rumeresbak o gumaganti na ang kalikasan sa mga mangingisda na walang pakundangang gumagamit ng dinamita sa kanilang pangingisda, makaraan ang sunud-sunod na pagkakatagpo ng mga tustadong bangkay ng mangingisda sa laot ng Navotas.

Kaugnay nito, isa na namang palaisipan sa pulisya ang pagkakatagpo sa tustadong bangkay ng isang 34-anyos na mangingisda na nakita sa loob ng bangka nito na lulutang-lutang sa laot ng baybayin ng Navotas.

Ang biktima ay nakilalang si Esteban Obzunar, residente ng Block 6, Bagong Silang St., Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan na nagtamo ng 3rd degree burm sa kanyang buong katawan.

Batay sa ulat ng Station Investigation Branch ng Navotas Police, dakong alas-5 ng hapon nang marekober ang bangkay ng biktima nang isang Clarissa Ponce, 21.

Blangko naman ang pulisya kung ano ang posibleng dahilan ng pagkakatusta sa bangkay nito kung kaya’t agad nila itong dinala sa PNP Crime Lab upang masuri.

Lumalabas sa rekord ng pulisya na hindi lamang ito ang unang pagkakataon sa pagkakadiskubre ng mga tustadong bangkay ng mga mangingisda.

Ang pinakahuling iniulat bago dito ay noong Mayo 11 ng alas-5 ng umaga, isang tustado ring bangkay ng 45-anyos na mangingisda na nakilalang si Melchor Basbas, ng Pitong Gatang, Sipac, Almacen, Navotas ang natagpuan sa loob ng bangka nito.

Nadiskubre ang tustadong bangkay ng biktima nang sundan ang una sa laot ng kanyang manugang na si Arman.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng Scene of the Crime Operation (SOCO), matindi ang tinamong sunog sa katawan ng biktima at halos hindi na ito makilala.

Unang nagkaroon ng teorya ang mga residente na posibleng tinamaan umano ng mataas na boltahe ng kidlat ang biktima kung kaya’t natusta ito.

Ang ipinagtataka naman ng SOCO ay walang narinig na pagsabog o anumang uri ng sunog na posibleng maging dahilan nang pagkatusta sa mga biktima.

Ayon pa sa mga residente posible umanong may "ada" sa karagatan na nagagalit sa talamak na paggamit ng ilang mangingisda ng dinamita. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BAGONG SILANG ST.

BANGKAY

BATAY

CLARISSA PONCE

CRIME LAB

ESTEBAN OBZUNAR

MELCHOR BASBAS

NAVOTAS

NAVOTAS POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with