Gunman ni Orsolino, tugis ng Guardians
May 29, 2006 | 12:00am
Tutulong ang Guardians Federation Brotherhood International (GFBI) para sa madaliang pag-aresto sa isa nilang kasapi na sinasabing gunman ng photojournalist na si Alberto Orsolino.
Ayon kay Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Leopoldo Bataoil, tiniyak ni GFBI Supreme Commander Liborio Jangao na tutulong sila sa pagtugis sa suspect na si Rommel Lirazan dahil hindi nila kinukunsinti ang iligal na gawain ng kanilang miyembro.
Samantala, inutos din ni Bataoil sa TF Orsolino ang ibayong pagbibigay ng seguridad sa pamilya nito bunga na rin ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.
Minamadali na rin ni Bataoil ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa mga suspect upang papanagutin sa pamamaslang kay Orsolino at mabigyan ng hustisya ang pamilya nito.
Matatandaan na kilala na ng mga awtoridad ang limang suspect sa pamamaslang kay Orsolino batay na rin sa testimonya ng mga testigo. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest