Kinarnap na kotse ng anak ni Rep. Apostol, nabawi
May 29, 2006 | 12:00am
Narekober ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence Investigation Division ang isang sasakyang pag-aari ng anak ni Leyte 2nd District Congresswoman Trinidad Apostol na tinangay ng tatlong hinihinalang mga miyembro ng carnapping syndicate kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Batay sa report ni Supt. James Brillantes, hepe ng QCPD-DIID, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang isang kulay silver na Toyota Innova na may plakang ZCX-472 na inabandona ng mga armadong kalalakihan sa Senatorial Road, Sitio Talanay, Quezon City.
Nabatid na tinangay ng mga suspect ang sasakyan ni Amelyn Apostol, anak ni Congresswoman Apostol, dakong alas-10 ng gabi habang nakaparada sa harap ng Holy Family Chapel sa Maginhawa St. UP Bliss, Q
Ayon sa driver nito na si Ramon Quebral, 47, kasalukuyan siyang nagpapahinga sa loob ng sasakyan nang biglang lapitan ng tatlong armadong kalalakihan at tutukan ng baril at saka pinaharurot ang sasakyan.
Agad namang inireport ni Quebral ang insidente hanggang sa makalipas ang isang oras ay natagpuang inabandona ang sasakyan sa Senatorial Road.
Wala namang nawawala sa gamit ni Apostol subalit nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang grupong nagsagawa ng pangangarnap. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am