^

Metro

4 parak inireklamo ng kotong

-
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang police captain at tatlo pang tauhan ng Quezon City Plioce District (QCPD) matapos silang ireklamo ng isang estudyante ng extortion sa Quezon City.

Kasong robbery extortion sa QC Prosectutor’s Office ang isinampa laban sa mga pulis na sina P/Senior Inspector Relly Layung, PO2s Ariel Cantorna, Ramil Ramos at Mario Tumang, na pawang nakatalaga sa QCPD- Quick Reaction Unit matapos silang positibong ituro ng biktimang si Micha Jasmine Palisoc, 19, residente ng Palmera Heights, Cainta, Rizal.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jun Fabre, ng QCPD-Criminal Investigation Division (CID), unang naganap ang insidente sa panulukan ng Regalado Avenue at Quirino Hi-way ng nasabing lungsod, dakong alas- 10:30 ng gabi noong March 7 ng taong kasalukuyan.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang minamaneho umano ni Palisoc ang isang kotse kasama ang isang kaibigang babae nang parahin umano sila ng apat na suspects dahil umano sa isang traffic violation.

Ngunit tumanggi namang sabihin ng mga pulis kung ano ang naging violation ng biktima at sa halip ay pinatabi ang sasakyan nito at puwersahan umanong kinuha ang laptop computer nito na may halagang P90,000, Tag Heuer wrist watch (P30,000), cellphone (P7,000) at isang mamahaling libro.

Hindi pa nakuntento ay inutusan pa umano ng mga pulis ang biktima na magwithdraw ng pera sa ATM ng halagang P15,000.

Ayon pa kay Palisoc, hindi niya agad nakilala ang mga pulis dahil may mga takip umano ang kanilang mga name plates ngunit sa tulong umano ng isang surveillance camera sa isang sangay ng Metrobank ay positibo umanong nakita si Tumang.

Wala na sanang planong magreklamo ang biktima dahil nangako ang mga pulis na ibabalik na lamang ang laptop nito ngunit hanggang sa ngayon ay bigo pa rin ang mga itong maibalik ang kinulimbat sa kanila. (Doris Franche)

ARIEL CANTORNA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

ISANG

JUN FABRE

MARIO TUMANG

MICHA JASMINE PALISOC

PALISOC

PALMERA HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with