^

Metro

Naulila ng pinaslang na mediaman, witness may banta sa buhay

-
Isasailalim sa witness protection program ng Dept. of Justice (DOJ) ang pamilya ng pinaslang na mediaman na si Albert Orsolino, pati na rin ang mga testigo sa naganap na krimen makaraang makatanggap ang mga ito ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Nabatid kay Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Station Investigation Division Management Bureau ng Caloocan City Police na madalas makatanggap ng mga tawag sa telepono ang pamilya ni Orsolino at maging ang mga testigo na nagbabantang may mangyayari sa kanilang masama kung hindi sila uurong sa kaso.

May mga hindi kilalang kalalakihan din ang umaaligid sa bahay ng mga naulila ng pinaslang na mediaman,

Samantala, inilatag na kahapon ng pulisya ang pagtugis laban sa mga suspect na sina JO2 Ramon Rivera ng Cainta Municipal Jail; JO2 Reynaldo Nicolas ng Navotas Municipal Jail; Frank Sabe Sr. at Rolando Manaog.

Magugunitang si Orsolino, ng pahayagang SAKSI ay tinambangan at napatay ng dalawang lalaking lulan sa isang motorsiklo noong Mayo 16 dakong alas-9:30 ng umaga sa Hannival Gasoline Station sa Letre, Caloocan City. (Rose Tamayo-Tesoro at Grace dela Cruz)

ALBERT ORSOLINO

CAINTA MUNICIPAL JAIL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

FRANK SABE SR.

HANNIVAL GASOLINE STATION

NAPOLEON CUATON

NAVOTAS MUNICIPAL JAIL

ORSOLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with