Alahero pumalag sa holdap, patay
May 27, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 59-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ito ng dalawa sa tatlong holdaper na nangholdap sa kanya sa harapan ng kanilang bahay sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi kung saan natangay pa ng mga ito ang isang milyong halaga ng mga alahas.
Patay na nang idating sa Mandaluyong City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Virgilio Avecilla, jewelry shop owner at residente ng 12 P. Oliveros St., Brgy. Barangka Itaas ng nabanggit na lungsod.
Samantala, mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa kilalang suspect sakay ng kanilang kulay pulang Honda na motorsiklo patungong Makati.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.
Nabatid na kasalukuyang inaantay ng biktima ang pagbubukas ng kanilang gate habang sakay ng kanyang Nissan X-Trail na may plakang XRH 343 galing sa kanyang jewelry shop nang bigla na lamang lapitan ng dalawa sa mga suspect na armado ng kalibre .45 baril at pilit na hinihingi ang dala nitong bag na pinaglalagyan ng mga alahas.
Gayunman, tumanggi ang biktima na ibigay ang bag at nakipag-agawan pa sa mga suspect kung kaya pinagbabaril ito ng mga salarin.
Bago tuluyang tumakas kinuha ng mga suspect ang bag na may lamang mga alahas na noon ay yakap-yakap pa ng biktima.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspect.
Naniniwala silang matagal nang pinag-aralan ng mga suspect ang oras ng pag-uwi ng biktima. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended