^

Metro

Tsinoy sumaklolo sa holdap, tinodas

-
Nasawi ang isang 60-anyos na Tsinoy, habang kritikal ang isa pang lalaki makaraang pagbabarilin ng mga holdaper nang tangkain nilang tumulong sa nagaganap na holdapan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Santiago Uy, ng 619 Asuncion St., Binondo sanhi ng tama ng bala sa katawan. Kritikal naman sa Metropolitan Hospital si Sofronio Alvarez, 21, sales clerk, ng Navotas sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ibabang bahagi ng katawan.

Agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ang mga pinaghihinalaang holdaper na sina Pacifico Daggao, 27, security guard at Harold Mendez, 23.

Tatlo pa sa kasamahan umano ng mga suspect ang tinutugis ng pulisya kabilang na umano ang isang miyembro ng PNP Maritime Police.

Sa ulat ni Det. Dave Tuazon ng MPD-Homicide Division dakong alas-6:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Lavezares at Caballeros Sts. sa Binondo.

Nabatid na hinarang ng mga suspect sina Lizabel Teng at Nathalie Chan galing sa Divisoria Mall na may dalang humigit-kumulang sa P100,000 na kita nila sa negosyo. Habang puwersahang kinukuha ang bag ng mga biktima, napansin naman ito ng taumbayan kabilang na sina Uy at Alvarez. Tinangkang tulungan ng mga ito ang dalawang babaeng biktima ngunit agad silang pinaputukan ng mga suspect na naging dahilan ng kamatayan ni Uy.

Tinangkang tumakas ng mga suspect subalit dalawa sa kanila ang naaresto. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

ASUNCION ST.

BINONDO

CABALLEROS STS

DANILO GARCIA

DAVE TUAZON

DIVISORIA MALL

HAROLD MENDEZ

HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with