^

Metro

115 pa palalayasin sa Bonifacio

- Joy Cantos -
Pagkatapos na mapalayas ang mga overstaying na ret. Navy officers sa Bonifacio Naval Station sa Fort Bonifacio, target naman ngayon na palayasin ay ang may 115 retiradong enlisted personnel ng naturang sangay ng militar .

Sinabi kahapon ni Phil. Navy Spokesman Captain Geronimo Malabanan na sa resolusyong nilagdaan ni Navy Vice Commander at concurrent chairman ng Navy Housing Board Rear Admiral Abraham Abesamis na may petsang Mayo 24, 2006 ay binigyan nito ng "eviction order" ang mga overstaying na enlisted personnel sa Married Enlisted Quarters (MEQ).

Kasabay nito, binigyan naman ng pitong araw o isang linggong palugit ng Phil. Navy ang mga retiradong EPs para magsilayas sa kanilang quarter matapos ang naunang pagpapalayas sa may 56 retired officers ng hukbo.

Ayon kay Malabanan may kabuuang 225 housing units para sa mga aktibong enlisted personnel ng Phil. Navy kung saan sa kasalukuyan ay 103 lamang ang inookupa ng mga aktibong personnel at ang 122 units ay inookupa ng mga retiradong personnel, pito dito ay kasapi sa Coast Guard habang walo ang namatay na.

Nilinaw ni Malabanan na 115 lamang ang pinadalhan ng "eviction order" para mabigyan ang mga ito ng pagkakataong mag-impake at maghakot ng kanilang mga kagamitan. Ang pito sa mga ito ay nakakuha ng court injunction.

Ibinulgar pa ni Malabanan na ang mga overstaying personnel sa MEQ ay may utang na umaabot sa mahigit sa anim na milyon sa kuryente at tubig.

vuukle comment

AYON

BONIFACIO NAVAL STATION

COAST GUARD

FORT BONIFACIO

MALABANAN

MARRIED ENLISTED QUARTERS

NAVY HOUSING BOARD REAR ADMIRAL ABRAHAM ABESAMIS

NAVY SPOKESMAN CAPTAIN GERONIMO MALABANAN

NAVY VICE COMMANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with