Pasahe sa mga bulok na bus, gawing P3
May 25, 2006 | 12:00am
Iginiit kahapon ng Commuters and Consumers Advocate of the Philippines Inc. sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na gawing P3.00 ang minimum fare sa mga aircon at ordinary Metro Manila buses na may edad na 15-taon pataas.
Sa kanilang petisyon sa LTFRB, idinahilan ng naturang grupo na hindi naman umano natuloy ang pag-phase out sa mga 15-year old buses kayat marapat lamang na ibaba na lamang ang singil ng mga ito sa mga pasahero.
Sa kasalukuyan, ang mga bagong unit ng bus na pumapasada sa Metro Manila at ang mga lumang bus na may gulang 15-taon pataas ay pareho lamang ng sinisingil sa pasahe na P8 para sa unang limang kilometro at dagdag pa na P1.75 sa susunod na kilometro sa mga ordinary buses at P10 naman sa unang limang kilometro at dagdag na P1.75 sa susunod na kilometro sa mga aircon buses.
Giniit ng naturang petitioner na dapat na mas mababa lamang ang singil na pasahe sa mga 15-year old buses at pataas pa dahil ang mga ganitong ka-lumang sasakyan ay hindi nagbibigay ng magandang akomodasyon sa mga pasahero kumpara sa mga bagong unit.
Hinikayat ng naturang petitioner ang LTFRB na agad na aksiyunan ang kanilang kahilingan kung prayoridad nilang mabigyan ng magandang serbisyo ang riding public at masulit naman anila ang ibinabayad sa naturang mga sasakyan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended