Holdaper dedo sa shootout; 2 pa timbog
May 25, 2006 | 12:00am
Patay ang isang holdaper na sinasabing miyembro ng Ipit Taxi gang matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID), habang dalawa pa ang naaresto sa isinagawang follow-up operation kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.
Dead on the spot ang isa sa mga suspect na nakilalang si Sergio Bagulan, ng Maligaya Park Subdivision, Fairview, Quezon City matapos na magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.
Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ang dalawang kasamahan nito na sina Michael Madrid, alyas Joel Perez, 25, na sinasabing lider ng Ipit Taxi Gang at Jobnie Ones, 23.
Batay sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang shootout dakong alas-4 ng madaling-araw sa tapat ng Robinsons Place sa Novaliches.
Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang kilos ng mga suspect hanggang sa maaktuhan nila ang mga ito na nambibiktima sa isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Napansin naman ni Bagulan ang presensiya ng mga awtoridad kung kayat bigla itong nagpaputok ng baril dahilan naman upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Nakuha sa nasawing suspect ang isang caliber .22 at wallet na naglalaman ng P2,200. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended