^

Metro

5 natusta sa QC fire

- Doris Franche-Borja -
Lima katao na kinabibilangan ng isang mag-asawa at dalawa nilang anak at yaya ang iniulat na nasawi nang masunog ang kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Halos hindi na makilala pa ang mga bangkay ng mag-asawang Johnson Dy, 40; ang misis nitong si Pinpin, 30; mga anak na sina Snow, 5 at Sky, 1 nang matagpuan matapos ang naganap na sunog. Makalipas ang anim na oras narekober na rin ang bangkay ng yaya na si Vicky Torrecampo, 50.

Ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa townhouse ng pamilya Dy sa No. 50-N Miami St., Don Jose St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Bigla na lamang sumiklab ang apoy sanhi ng faulty wiring sa entertainment room ng pamilya Dy sa ikalawang palapag ng townhouse hanggang sa mabilis na kumalat ang apoy pataas na naging sanhi sa pagkakakulong sa mga biktima.

Ayon sa isa pang nakaligtas na yaya na nakilalang si Erika Espartero na naramdaman niya habang siya ay natutulog ang matinding init kung kaya mabilis siyang bumangon at agad na lumabas ng bahay kung kaya siya nakaligtas.

Nadamay din sa naganap na sunog ang ilang unit ng townhouse na katabi ng unit ng pamilya Dy. Umabot habang 4th alarn ang sunog.

Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa naganap na sunog.

vuukle comment

AYON

BRGY

DOMINGO

DON JOSE ST.

ERIKA ESPARTERO

JOHNSON DY

N MIAMI ST.

QUEZON CITY

STO

VICKY TORRECAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with