Dahil dito, kinuyog naman siya ng mga kasamahang preso na naging sanhi rin ng kanyang kamatayan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Dilberto dela Cruz, 34, sangkot sa kasong illegal drugs, namatay ito habang nilalapatan ng lunas sa San Juan Medical Center sanhi ng tinamong mga palo ng dos-por-dos sa ulo at Rafael David, 38, may kasong robbery snatching na agarang namatay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan matapos kuyugin ng mahigit sa 50 bilanggo na kanilang kasama sa selda.
Ayon kay Chief Inspector Noel Montalvo, hepe ng San Juan BJMP naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa selda 1 ng nasabing kulungan na matatagpuan sa 3rd floor ng San Juan police headquarters.
Sa inisyal na ulat, bigla na lamang umanong nagising si David na tila wala sa sarili at parang sinasapian kung saan agad itong dumampot ng dos por dos na nasa loob ng selda at pinagbalingan ang natutulog niyang kakosa na si dela Cruz at pinagpapalo ng kahoy sa ulo.
Tingin umano ni David kay dela Cruz ay may sungay kung kaya niya ito pinagpapalo.
Agad namang nagising ang iba pang preso at tinangkang awatin si David subalit nanlaban pa ito kaya siya dinumog ng mga kasamahan,
Napag-alaman pa sa mga kaanak ni David na ibabalik na dapat nila ito sa mental hospital dahil sa sakit nito sa pag-iisip.
Itinanggi naman ni Montalvo na alam niyang may sakit ito sa pag-iisip dahil sa dalawang buwan pa lamang siyang umuupo bilang hepe ng San Juan jail.
Agad namang sinibak ni Montalvo ang anim na jailguard na nakatalaga ng mga oras na iyon.
Napag-alaman pa na umaabot sa 170 preso ang kasalukuyang nagsisiksikan sa dalawang selda ng San Juan BJMP.