^

Metro

High school stude, inatado ng pinsan

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 19-anyos na lalaki ang kanyang pinsang babae na umano’y nagsumbong sa kanya sa kanyang mga magulang nang pagtutulak ng droga, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa kabila ng mga saksak sa katawan, dinala pa rin ng kanyang mga kamag-anak si Agnes Refugio, 15, high school student sa Delgado Hospital upang isalba ang buhay nito matapos na saksakin ng paulit-ulit ng suspect na si Franz Mathew Villanueva, 19, college student sa Trinity College at residente ng 38 Marathon St., Brgy. Obrero, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng tinutuluyang bahay ng biktima at ng suspect sa nabanggit na address.

Ayon sa mag-asawang Leoper at Jennifer Enriquez na kamag-anak din ng suspect at biktima, natutulog sila nang marinig nila ang unggol mula sa kuwarto ng dalawa kung saan humingi pa ng tulong si Refugio.

Agad naman nilang tinungo ang kuwarto ng biktima at nakita nilang may saksak sa hita at kamay si Refucio at si Villanueva habang hawak ang isang jungle bolo. Dito ay nagbitiw na din ng salita ang suspect na "pinatay ko si Agnes".

Sinabi ni Villanueva sa mga awtoridad na napikon at nagalit siya sa ginawang pagsusumbong ng biktima sa kanyang magulang ng ginagawa nitong pagtutulak ng droga partikular na ang ecstacy.

Bunga nito, nagalit siya sa biktima na nagbunsod upang kunin nito ang kanyang jungle bolo at saksakin ang biktima sa hita. Nag-agawan sila sa jungle bolo hanggang sa magdilim na rin ang kanyang paningin at tuluyang pagsasaksakin ng paulit-ulit ang biktima. Inihahanda na ang kasong murder laban dito. (Doris Franche)

AGNES REFUGIO

BIKTIMA

DELGADO HOSPITAL

DORIS FRANCHE

FRANZ MATHEW VILLANUEVA

JENNIFER ENRIQUEZ

MARATHON ST.

QUEZON CITY

TRINITY COLLEGE

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with