Holdaper dedo sa sekyu
May 24, 2006 | 12:00am
Patay ang isang holdaper matapos na mabaril ng isang security guard habang arestado naman ang kasamahan nito nang maaktuhang nambibiktima ng mga pasahero sa isang pampublikong jeep sa Jones Bridge sa Binondo, Maynila kahapon ng hapon.
Nakilala lamang ang nasawing suspect na isang alyas Boogie habang nakaditene ngayon sa Manila Police District-Station 11 ang isa pang holdaper na si Michael Manalo, 30, ng Geronimo St., Sampaloc, Maynila.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang panghoholdap sa isang pampasaherong jeep sa may Jones Bridge sa Binondo.
Napansin naman ng securityu guard na nagbabantay sa mga street light sa naturang tulay na si Manny Occeno, 38, ng Fil-Good Security and Detective Agency ang komosyon sa loob ng jeep kaya sinundan niya ito.
Dito nito nakita ang nagaganap na panghoholdap kung saan agad na nabaril nito ang isa sa mga suspect matapos na bumaba sa jeep. Nasakote naman ng mga nagrespondeng pulis ang isa pang suspect na si Manalo sa may Tintin Paredes, Escolta, Maynila. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended