Ayon kay DepEd officer-in-charge Fe Hidalgo, na karapatan ng mga estudyante na makapag-aral ng libre at walang inaalalang bayarin dahil walang iniuutos na anumang koleksiyon ang kagawaran.
"It is the right of every child to go to school. So in public elementary and high schools, no amount should be paid by our students or their parents and the collection of their voluntary contributions to certain organizations helping the school should not be a requirement for enrollment," saad ni Hidalgo.
Paliwanag pa nito na kahit na sinusuportahan nila ang Parent Teachers Association (PTA) na siyang tumutulong sa pagsasaayos ng mga paaralan ay mas binibigyan nila ng prayoridad ang mga mag-aaral at hindi umano nila mapapayagan na hindi makapag-enroll ang estudyante dahil wala silang perang pambayad.
Ang pagbabawal ng paniningil ay nasa ilalim ng DepEd Order No. 22 Series of 2005, nakasaad dito ang pagbabawal ng pangongolekta ng anumang bayarin at puwede lang ito kung kusa o boluntaryong kontribusyon na ibibigay ng mga magulang.
Ipinaalala ng DepEd na tanging ang Boy Scouts, Girl Scouts, Red Cross at Anti-Tuberculosis Education at Fund Drive lamang ang pinapayagan nilang masingil.
Pinapayagan ding makapaningil ng contributions para sa school papers ang mga paaralan subalit hindi ito lalagpas ng P50 para sa elementary at P75 para sa public high schools. (Edwin Balasa)