Tensyon sa Bonifacio, humupa na
May 23, 2006 | 12:00am
Humupa na ang matinding tensyon sa Bonifacio Naval Station sa Fort Bonifacio, Taguig City na muntik ng maging sanhi nang pagdanak ng dugo, makaraang tuluyan nang abandonahin ng 56 retiradong Navy officers ang inookupahan nilang pabahay noong sila ay nasa serbisyo pa.
Ayon kay Captain Geronimo Malabanan, tagapagsalita ng Phil. Navy (PN), dakong alas-12:30 kamakalawa ng tanghali nang tuluyang lisanin ng mga retiradong opisyal ang nabanggit na lugar.
Nabatid na matinding tensyon ang naganap noong Sabado matapos na magpalabas ng kautusan ang pamunuan ng PN na dapat na iwanan na ng 56 ret. Navy officers ang pabahay na benipisyo sa kanila.
Dahil wala na sila sa serbisyo at over-staying sila dito, dapat anya umalis na sila sa naturang pabahay at bigyan naman ng pagkakataon ang mga bagong opisyal na nasa serbisyo pa.
Ngunit pumalag ang mga retiradong opisyal kung kayat nagresulta ito sa matinding tensyon na muntik ng maging sanhi ng pagdanak ng dugo. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended