Caloocan employee nagbigti
May 22, 2006 | 12:00am
Isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang hindi na nito makayanan ang malimit na pangangaway ng kanyang misis dahil sa kakarampot nitong sahod, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Far Eastern University (FEU) Hospital ang biktimang si Metosalim Isaac, 28-anyos, nakatalaga bilang miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), at residente ng 7032, Park Land, Maligaya, Brgy. 177, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ni SPO1 Wilson Reyes, may hawak ng kaso, dakong alas11:45 ng gabi nang madiskubre ng kanyang misis na si Mary ang bangkay ng biktima na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.
Isang nylon cord umano ang ginamit ng biktima na ipinalupot nito sa kanyang leeg, habang ang kabilang dulo nito ay kanya namang itinali sa biga ng kanilang kisame.
Nabatid na labis umanong dinamdam ng biktima ang malimit na pangangaway sa kanya ng kanyang misis dahil sa kakarampot na sahod nito bilang DPSTM.
Malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na posibleng naging ugat umano ng kanyang pagpapatiwakal ang labis na pangangaway ng misis ng huli kung kayat nagpatiwakal ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended