Carlos wagi kay Gatchalian

Ganap ng sinang-ayunan ng House of Representative Electoral Tribunal (HRET), na si Bobbit Carlos ang siyang nanalo sa May 10, 2004 national and local elections para sa pagka-mambabatas sa Unang Distrito ng Valenzuela City.

Ito ay matapos na tuluyang ibinasura ng HRET ang protesta ni Congressman Rexlon Gatchalian makaraan ang halos dalawang taon na deliberasyon at pakitaan ng kaniya-kaniyang ebidensiya.

Batay sa 279 pahinang desisyon na masusing sinuri at pinag-aralan ng HRET, lumalabas na may mga ballot boxes mula sa 52 presinto ng 1st District ng Valenzuela ang umano’y sadyang pinalitan.

Binigyang diin pa ng HRET na hindi dapat na umasa sa election returns ang mga kandidato para manalo.

Magugunita na noong June 10, 2004 nang maghain ng protesta si Gatchalian laban kay Carlos.

Lumalabas sa pinal na desisyon ng Electoral Tribunal na ganap na pinagtibay na nagwagi si Carlos at lumilitaw din sa resulta na lamang ang huli ng 363 votes laban kay Gatchalian.

Ayon naman kay Danilo Seno Jr., chief of staff ni Cong. Carlos ay ganap ng malilinawan ang mga residente ng Valenzuela sa pamamagitan ng nasabing desisyon, kung sino ang tunay na kinatawan ng House of Representatives sa 1st District ng nasabing lungsod. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments