Nabatid na karamihan umano sa mga tanggapan sa loob ng NAPOLCOM ay kung wala man ay sira ang mga air conditioning units at nagkakasya na lamang umano ang mga kawani rito sa paggamit ng mga electric fans.
Dahil dito ay nanganganib ang kalusugan ng mga kawani na posibleng magkasakit o ma-stroke sa tindi ng init sa kani-kanilang tanggapan na walang aircon.
Nag-ugat ang reklamo ng mga kawani makaraang mapag-alaman ng mga ito na mas inuna ng pamunuan ng NAPOLCOM ang pagbili ng monitoring cameras na umanoy umaabot sa multi-milyones na halaga.
Itinuturing umano ng mga kawani na isang luho o luxury ang ginawang hakbang na ito ng NAPOLCOM kesa sa unahin ang mga mahahalagang gamit ng ahensiya.
Samantala, apektado naman ang ilang operasyon ng NAPOLCOM tulad na lamang ng Public Information Office (PIO) nito dahil sa kawalan ng koneksyon ng internet dahil nag-outing umano sa isang resort ang lahat ng kawani ng Planning and Research Service na namamahala sa internet connection ng buong NAPOLCOM.
Nabatid na hindi man lamang umano naisip ng naturang departamento na mag-skeletal, kung kayat naapektuhan ang ilang operasyon ng PIO, NAPOLCOM.
Ang PIO ang isa na may pinakamahalagang tungkulin sa ahensiya ay minomonitor nito ang lahat ng reklamo tungkol sa police matters. (Lordeth Bonilla)